TM 9_ball Champion Challenge sasargo
March 18, 2005 | 12:00am
Mga bagong lahi ng kampeon ang inaasahang sisikat sa pagtatanghal ng TM 9-Ball Champions Challenge, isang natatanging 9-ball billiards tournament na tutuklas sa mga pangunahing talento sa ibat ibang probinsiya sa pagsisimula nito sa Abril 11 sa SM supermall sa San Fernando, Pampanga.
Ang Touch Mobile, naniniwala sa talento ng atletang Pinoy at pangunahing tagakalat ng Piso Call, Piso Txt at iba pang Piso features sa cellular telecommunications, ang naglunsad ng event na ito sa pagsisikap na makahanap ng papalit kina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante.
Walong koponan ang bubuo ng mga sumisikat na cue artists na hindi na mababa ang loob at handang makipag-kumpetensiya ng kanilang husay at kumpiyansa sa pama-magitan ng torneo, ang lalahok sa unang salvo ng TM 9-Ball Champions Challenge na inorganisa ng Jemah Sports at RocketMan Enterprises ni Mon Tuason, ang isa sa pangu-nahing nagtatag ng Metropolitan Basketball Association.
Ang torneo, na suportado ng Accel at isasa-ere sa IBC-13 mula alas-8-9 ng gabi tuwing Martes at Huwebes ay bibiyahe sa Dasmariñas at Carmona sa Cavite, Parañaque City at Manila, ang kapitolyo ng bansa kung saan maraming naninirahan na sumisikat na billiards superstars.
Sa Manila mismo ay may may tatlong larong gaganapin sa tatlong lugar at tatlo rin sa Parañaque.
Sina Cavite Governor Ayong Maliksi, Parañaque vice-mayor Anjo Yllana at Manila Sports Council (MASCO) chairman Ali Atienza ang team managers ng kani-kanilang koponan.
Ang iba pang koponan na nagkumpirma ng kanilang partisipasyon ay ang Pampanga, Pangasinan, Makati, Pasig at Batangas.
Ang karanasan ni Tuason sa pag-iimplementa ng regional sports ay muling masusubukan sa kanyang pama-mahala sa 30 kompetisyon bago ang tournament proper. Ang side tournament ay magsisilbing venue sa pagkuha ng players sa ibat ibang team.
Maaring tumawag kay Tuason sa 0926-8089999 para sa ilang katanungan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended