Si Pacquiao na hindi pa nakaranas ng ganitong klaseng pagtanggap, maging sa dalawang nauna niyang laban sa naturang lugar. Ito ang kauna-unahang lalaban si Pacquiao sa MGM Grand main bout na klasipikadong pay-per-view.
Magkatulad na posters din ang makikitang na nakasabit sa kisame sa ilang bahagi ng MGM Grand mula sa higanteng tarpaulines na inaanunsiyo ang laban sa dingding ng main press center. May malaking billboards din ang inilagay sa mga pangunahing kalsada patungo sa MGM.
"Hindi ganito noon," ani Pacquiao na laging binabati ng mga fans at kadalasan dinudumog kapag tutungo siya sa kanyang kuwarto o kakain sa hotel-casino.
Ang mga boxing fans mula sa ibat ibang nasyonalidad ay patuloy na nagpapa-autograph, o nagpapakuha ng letrato.
Madaling sabihin, ang laban ang pinag-uusapan ngayon dito tuwing Spring Break at March Madness.
Isang mataas na opisyal ng Top Rank ang nagsabi sa press conference na tanging 2,000 seats na lamang ang makakapasok mula sa 14,500 na naimprenta.
"This fight definitely has surreal quality in it," ani Bob Arum, owner ng Top Rank at promoter din ni Morales.
Kung ang gate receipts ang indikasyon, masasabing lalampasan nito ang Morales-Barrera fight noong Nobyembre noong nakaraang taon.
Inihayag din ni Arum ang ilang pagbabago sa pustahan kung saan pa-borito pa rin si Pacquiao. Ang Pinoy ay -135 favorite (ang $135 ay mananalo ng $100) kontra kay Morales +115 (ang $100 ay mananalo naman ng $115). Ito ay tumaas pa mula sa -130 kay Pacquiao at Morales +110. (Ulat ni Abac Cordero)