^

PSN Palaro

BAP referees magmamando sa SBL

-
Upang higit na mapaangat ang antas ng officiating sa amateur basketball ng bansa, 13 pangunahing national referees ang ipapadala ng Basketball Association of the Philippines para magmando sa dalawang prestihiyosong international events--ang Super Basketball League sa Taipei City, Taiwan at Asian Wheelchairs Competition sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagpirmahan kamakailan ang BAP at Chinese Taipei Basketball Association para sa Exchange Program of Technical Developments para sa pagtaas ng kuwalidad ng officiating ng dalawang bansa.

Nakatakdang idispatsa ng BAP ang apat na batch ng tatlong referees mula Abril 7 hanggang May 2 sa exchange program na tutuon ang pansin sa technicalities ng three-man officiating.

Ito ay sina Gil Reglo, Arnold Penafuerte at Jerry Jimenes na mago-officiate sa SBL sa Abril 7-11, Ferdinand Pascual, Carlos Ramirez at Michael Vergara sa ikalawang batch sa Abril 15-18. At ang ikatlong pipito sa SBL ay sina George Magsino, Nestor Macatuno at Arnulfo Bermeo sa Abril 22-25, habang ang huling batch na sina Anthony Sulit, Felix Sanchez at Ferdinand Pascual ay sa Abril 29-May 2.

Napili naman si Edgar Lagne para mag-officiate sa Asian Wheelchairs Competition sa KL.

vuukle comment

ABRIL

ANTHONY SULIT

ARNOLD PENAFUERTE

ARNULFO BERMEO

ASIAN WHEELCHAIRS COMPETITION

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CARLOS RAMIREZ

CHINESE TAIPEI BASKETBALL ASSOCIATION

EDGAR LAGNE

FERDINAND PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with