Sa kanyang pagharap kay Erik El Terible Morales (47-2, 34 KOs) sa super featherweight matchup sa Sabado ng gabi sa MGM Grand sa Las Vegas (HBO pay-per-view), mauunawaan mo kung bakit pinag-kakaguluhan ito at iniidolo sa kanyang bayan sa Pilipinas. Isa siyang kayamanan at goodwill ambassador na may lumalagong repustasyon at masamang intensiyon.
"Everybody recognizes me (in the Philippines)," tugon ni Pacquiao sa mga nagtatanong sa kanyang buhay sa Pilipinas sa press conference. "Also, the President and all my countrymen are proud of me."
At dapat lamang. Si Pacquiao ay mas sikat pa sa Pangulo ng Pilipinas at mas maraming airtime. Ngunit sinabi nito na ang pagiging bayani ay nagbigay sa kanya ng mas matinding pressure. "My countrymen are all praying for my success," dagdag pa niya. "So I need to win every fight."
At dahil sa pagpapatumba sa kanyang mga ka-isparing, tinagurian din ngayon ang Pinoy idol na Manila Ice na handang magkalat ng lagim sa Las Vegas.