^

PSN Palaro

Sino si Manny Pacquiao ?

-
Nakakabulol ang kanyang huling pangalan, at ang baba ay naka-angat habang abalang-abala ang kan-yang mga kamay. Hindi siya malaking tao na ayaw maagawan ng babae sa mataong bar. Kaya niyang pabagsakin ang lahat ng lalaking makakaharap at mahirap hagilapin sa mapa ang kanyang probinsiya. Pero kapag napanood mo si Manny Pacquiao (39-2-2, 31 KOs) na lumaban, hindi mo na siya makakalimutan.

Sa kanyang pagharap kay Erik ‘El Terible’ Morales (47-2, 34 KOs) sa super featherweight matchup sa Sabado ng gabi sa MGM Grand sa Las Vegas (HBO pay-per-view), mauunawaan mo kung bakit pinag-kakaguluhan ito at iniidolo sa kanyang bayan sa Pilipinas. Isa siyang kayamanan at goodwill ambassador na may lumalagong repustasyon at masamang intensiyon.

"Everybody recognizes me (in the Philippines)," tugon ni Pacquiao sa mga nagtatanong sa kanyang buhay sa Pilipinas sa press conference. "Also, the President and all my countrymen are proud of me."

At dapat lamang. Si Pacquiao ay mas sikat pa sa Pangulo ng Pilipinas at mas maraming airtime. Ngunit sinabi nito na ang pagiging bayani ay nagbigay sa kanya ng mas matinding pressure. "My countrymen are all praying for my success," dagdag pa niya. "So I need to win every fight."

At dahil sa pagpapatumba sa kanyang mga ka-isparing, tinagurian din ngayon ang Pinoy idol na ‘Manila Ice’ na handang magkalat ng lagim sa Las Vegas.

vuukle comment

EL TERIBLE

ERIK

ISA

LAS VEGAS

MANILA ICE

PILIPINAS

SI PACQUIAO

SO I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with