^

PSN Palaro

Eskandalo sa mundo ng basketball

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ang pinakamalaking iskandalo sa mundo ng basketball ay sisingaw kapag nabisto na ang isang pro basketball player (player A) ay nagkaroon ng illicit love affair sa asawa (Misis B) ng isa pang pro basketball player (Player B) din. Gumanti lang ang player na ito sa kanyang pangangaliwa dahil nalaman niyang ang kanyang misis (misis A) ay nakipagtalik sa isa ring basketball player (Player C). Napakaganda na sana ng merry go round nila at masaya na sila sa pinaggagawa nila. Hanggang sa nagkabistuhan at nagkagantihan sila.

Sa tingin n’yo ba ay nagsasama pa ang mag-asawang ito (player A at Misis A)?

Hindi na po.

Pero kinalumutan na nila ang kani-kanilang mga love affair.

Naging isang bangungot lang para sa kanila ang nangyaring yon.

Masa-shock ang mga basketball fans kapag nalaman nila kung sino-sino ang involved sa istorya na ito.

Sapagkat sila ay puro mga sikat at hinahangaang mga basketball players sa PBA ngayon.

Kakaunti pa lang ang nakaka-alam niyan sa basketball community at bulung-bulungan na ‘yan kapag nagkaka-tipun tipon ang mga misis ng mga players.
* * *
Bakit naman kaya pumatol si Misis B kay Player A?

Nagkaroon pa ng mga pagkakataon na nagde-date sina Player A at Misis B at hindi nila itinago sa mga malalapit nilang kaibigan, kabilang na ang isang lady sportswriter, isang bading na PBA fan na laging nasa coliseum at isang misis na hiwalay na sa kanyang asawa.

Ewan kung nalaman ito ng mister ni misis B.

Matagal na kasing hindi happy si Mrs. B sa asawa niya kaya siguro nagawa niya yun.

Pero ang ipinagtataka lang ng mga kaibigan niya, manganga-liwa na lang siya eh papatol pa siya sa isang sikat na player din.

Eh imposible nga namang di ito sumingaw considering also na ang mga kaibigan nila ay puro makakati rin ang dila sa tsismis.
* * *
Ano naman ang masasabi ni Player C, ang player na pinatulan ni Player A?

Wala.

Kapag tinanong mo siya, dine-deny pa niya.

Kilalang matinik sa chicks ang player na ito.

Noon pa man, napakaraming babae na ang pinaiyak niya.

Napalakas ng appeal ng player na ito sa babae kaya naman hindi na nakakagulat na na-attract sa kanya si Misis A.

Balita pa rin kasi, malaki ang kargada ni Player C kaya marami talaga ang nahuhumaling sa kanya.
* * *
Ngayon, tahimik na ang buhay nila.

Hiwalay na si Player A at Misis A pero magkaibigan pa rin naman sila.

Si Misis B ay balik sa piling ng kanyang mister.

Si Player C ay loyal na rin sa asawa n’ya.

Kala n’yo, sa mundo lang ng showbiz magulo ang mga married lives?

Hindi no.

Mas magulo sa basketball.

vuukle comment

BASKETBALL

MISIS

MISIS A

MISIS B

PLAYER

PLAYER A

PLAYER C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with