Negros Navigation interesado sa PBL
March 16, 2005 | 12:00am
Nagpahayag ng interes ang Negros Navigation Corporation (NENA-CO) na sumali sa PBL Unity Cup na nagdagdag kulay sa inaasahang blockbuster season-opening tournament.
Inaasahasang aaprobahan ng liga ang kahilingan ng NENACO baga-mat hindi pa naayos ng higanteng shipping corporations ang mga requirements na itinakda ng PBL.
Ang Unity Cup ay magsisimula sa Abril 2 kung saan asam ng Mag-nolia Dairy Ice Cream na mapanatili ang kanilang titulong napagwagian laban sa Welcoat Paints noong nakaraang taon.
Inaasahan magsusuot ng kulay ng NENACO ay ang mga manlalaro ng San Beda College na sina Yuosif Al Jamal at high leaping Jerome Paterno kung saan umaasang maghahatid agad ng malakas na impact sa pangunahing amateur league ng bansa.
Si Nash Racela, assistant coach ni Eric Altamirano ng Coca-Cola sa PBA ang naatasang magmando sa bagong koponan at si Mike Advani, ang siya namang team manager.
Ang partisipasyon ng NENACO sa liga ay tiyak na magsisilbing magan-dang karanasan sa San Beda kung saan inaasam ng Red Lions na wakasan ang kanilang pagkauhaw sa titulo sa NCAA.
Samantala, umaasa naman ang Harbour Centre na mapapapirma si La Salle star Mark Cardona para palakasin ang kanilang kampanya.
Malamang na ilaro ng 6-foot guard na nag-eensayo sa Welcoat ang kanyang huling amateur tournament sa Harbour Centre dahil sa kanyang koneksiyon sa La Salle.
Si Tonichi Yturri ang gigiya sa Harbour Centre at si Derrick Pumaren ang team consultant at si dating PBA Rookie of the Year winner Gil Cortez ang team manager.
Bukod sa Magnolia, Welcoat, NENACO, Harbour Centre, ang iba pang koponang lalahok sa Unity Cup ay ang Toyota Otis-Letran, Granny Goose, Air Philippines at Montaña Pawnshop.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended