Ang JVC regionals, suportado ng Gosen, Cebu Pacific, Water Front Hotels, Lactacyd at inorga-nisa ng img, ay magkakaroon ng elite division, junior category (16-under) at intercollegiate team championships. Ang mga events na paglalaban ay ang elite sa mens at ladies singles, mens at ladies doubles at mixed doubles.
Para sa mga katanungan at kumpletong detalye, mag-check sa website o mag-email sa jvc-badminton@hotmail.com o tuma-wag 0918 509 4845 (Joann); 0921 314 2001 (Agnes); 0917 5288970 (Nelson). Ang registration fee ay P100 para sa single entry event at P150 doon sa may dalawa hanggang tatlong events.
Samantala, ang rehistrasyon para sa JVC Badminton Juniors Championships ay magtatapos ngayon (Marso 15) at pormal na magsisimula sa Abril 2 hanggang Mayo 29.
Ang huling araw ng pagsu-sumite sa Pampanga leg ay sa Abril 15 na ang tournament naman ay nakatakda sa Abril 18-22. Ang venue ng tournament ay sa Excel Badminton Center sa Lazatin Blvd. Villa Victoria San Juan, San Fer-nando City, Pampanga. Para sa ilang detalye tumawag sa (045) 860 9999/ 0918 3902134/ 0917 8120194.
Ang Cebu na magho-host sa ikalawang yugto April 25-29 sa Metro Sports Badminton Club sa Salinas Drive, Lahug, Cebu City na ang deadline ng pagpapalista ay sa April 15. Para sa detalye tumawag sa (032) 233 3338/ (032) 234 4526.
Susundan ito ng pagho-host ng Davao sa May 9-13 sa Wheels and More Drive, JP Laurel Ave., Bajada, Davao City. Ang deadline ay sa May 2. At tumawag sa (082) 255 5700/ (082) 300 0800 para sa ilang detalye.
At ang huling yugto ay ga-ganapin sa May 16-20 sa Pohang Badminton Center sa Dr. Pablo Torre St., Bacolod City. At ang huling araw ng pagpapalista ay sa May 12. Para naman sa detalye tumawag sa (034) 433 3632/ (034) 433 1295.