50-50 ang tsansa ni Pacquiao
March 14, 2005 | 12:00am
LOS ANGELES -- 50-50!
Ito ang sa palagay ni World-class cutman Lenny De Jesus, na magtatrabaho sa corner ni Pinoy ring idol Manny Pacquiao sa tsansa ng Pinoy sa kanyang March 19 showdown kay Erik El Terrible Morales.
Ayon kay De Jesus, bagamat nasa mahusay na kondisyon si Pacquiao para sa kanyang laban, mahirap at mahigpit na kalaban si Morales sa kanyang bal-warte, ikonsidera na palagian siyang lumalaban sa Las Vegas.
Isa pang dahilan, ang Top Rank promoter na si Bob Arum na siyang namama-hala kay Morales ay maim-pluwensiya sa Nevada State Athletics Commission, na magbibigay ng bentahe sa Mexican kapag dikitan lamang ang laban.
Sinabi pa ni De Jesus na si Morales ay solido sa edad na 29 anyos at nilalasap ang home turf advantage.
Gayunpaman, maihaha-lintulad ni De Jesus si Pac-quiao, na kasama niya sa maraming taon at piniling nasa kanyang tabi kasama nina trainer Freddie Roach at Filipino trainer Restituto Buboy Fernandez, sa isang batang leon na gutom. Ayon pa kay De Jesus, malaki ang maitutulong kay Pacquiao na kung tawagin niya ay "Little Tyson ang istilo nitong sunod-sunod at mabibilis na pagpapa-ulan ng suntok.
Hinuhulaan ni De Jesus na mas magiging mabilis si Pacquiao dahil aakyat sa ring si Morales na may timbang na 140 lbs at ito ang bentahe ni Pacman.
Gayunpaman, binalaan din niya si Pacquiao na huwag sumobra ang kumpi-yansa dahil dito siya mas nagkakamali at sa pagka-kamaling ito malamang na malaki rin ang maging kaba-yaran.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended