^

PSN Palaro

Taga-Summit, nagsalita na

GAME NA! - Bill Velasco -
Matapos mailathala noong nakaraang linggo ang tungkol sa nakabiting utang ng Summit Sports World, Inc. sa PBA, NBN at IBC-13 na humigit-kumulang P200 milyon, lumantad ang dalawang dating opisyal ng kompanya upang ipahayag ang kanilang panig ng kasaysayan ng nasirang proyekto.

Kinausap nila Frederick Orticio at Junie Portez, na tumulong bumuo sa orihinal na grupo ng Summit, ang inyong lingkod, upang ibigay ang kanilang panig.

"We and the five incorporators were new to the business," paliwanag ni Orticio, na umaakong siya ang naging general manager ng Summit Sports hanggang 2004. "NBN had already set everything up. They had talked to IBC-13; they had hired Video Arts, Inc. to market the PBA games on television. Everything was set up before we came in."

"Isipin mo lang," dagdag ni Portez. "For an initial investment of P200 million, you see projections of P600 million just for the 2003 season. For a net profit of at least P 100 million, anybody who had the money would jump at the chance."

Bagamat walang sinumang lumagda at umako sa mga sales projections na iyon, tuloy pa rin ang Summit sa pagpasok sa kasunduan. Subalit, may mga napansin silang kakaiba sa kanilang tambalan ng NBN 4.

"NBN did all the talking to the PBA, and to sponsors, as well," salaysay ni Orticio. "Summit was never involved in any negotiations or discussions. But Summit was expected to pay for everything."

"Being newcomers, we trusted that NBN would guide us, and that everything given to us on paper would be followed, like production budgets, etc.," sabi pa ni Portez.

Unti-unti, nalaman ng Summit na ang mga pakete para sa mga TV sponsors ng PBA ay nabebenta sa mas mababang halaga kaysa sa napagkasunduan.

"Bakit nalugi ang Summit?" tanong ni Portez. "Isipin mo, bibilhin mo sa halagang P30, tapos ibebenta mo ng P12. We heard that our 30-second commercials, originally projected at P30,000 each, were going for P12,000.

And we were not informed. So we were expecting to make money back from the revenues, but they weren’t coming to us in the volume that was projected."

Mahirap na rin sabihin kung iyon ang tunay na halaga ng mga TV commercials noong panahong iyon, subalit hindi na mapalagay ang mga taga-Summit. Di nagtagal ay pinalitan nila ang Video Arts. Subalit, may kakambal din itong ibang problema. Ang bagong grupong ipinasok nila ay naipit. Hindi na nila maitaas ang mga presyo ng sponsorship packages nila, at naguguluhan pa ang ibang isponsor sa kung kanino dapat pumunta ang komisyon. Dito naubos ang pera ng Summit.

Bandang Hulyo, 2003, halos limang buwan pa lang matapos silang magsimula, nagkaipitan na. Hinawakan na ng NBN ang mga Certificate of Performance (CP) ng Summit. Ang CP ay dokumentong nagpapatunay na lumabas ang mga commercial ng mga advertiser. Kung wala ito, hindi makakakolekta ang isang prodyuser.

Subalit, sa mata ng NBN, ito ang tanging paraan para maudyok ang Summit na magbayad. Manok o itlog, kung baga.

Naubos na ang pisi ng Summit, at tinupad ang isang Petition for Corporate Rehabilitation sa Pasay Regional Trial Court. Isinara na rin nila ang kanilang tanggapan sa Makati.

"We came out because of our conscience," sabi ni Orticio. "Because we know that there are people who need to be paid. But we also feel that we were left out of many decisions and were not informed of others, and this could have saved everybody a lot of trouble."

Ngayon, lumalabas sa pahayag ng dalawa na biktima rin ang Summit ng pagpasok sa negosyong hindi nila kabisado, at pagtiwala na masusunod ang lahat ng napag-usapan.

BANDANG HULYO

BUT SUMMIT

CERTIFICATE OF PERFORMANCE

ORTICIO

PORTEZ

SUBALIT

SUMMIT

VIDEO ARTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with