Army vs Navy sa finals ng Petron Ladies Beach Volley
March 13, 2005 | 12:00am
Bumagsak na ang isang bahagi ng Philippine Navy champion team kaya isusunod na ang ikalawang bahagi nito.
Nagtala ang veteran Philippine Army tandem nina Patricia Siatan at Jennifer Bohawe ng anim na straight victories, kabilang ang isa sa champion Navywoman Michelle Laborte at ng kanyang bagong partner, para muling makapasok sa finals ng unang leg ng 2005 Petron Ladies Beach Volleyball Tournament sa Clearwater Country Club sa Clarkfield, Pampanga kahapon.
Sina Siatan at Bohawe, ang unang back-to-back winners ng torneong ito na tinanggalan ng korona ng Navy duo nina Laborte at Cecille Tabuena sa Petron grand finals noong nakaraang taon ay nagtatangkang mabawi ang kanilang titulo matapos magtala ng limang sunod na panalo sa elimination round at isang panalo sa semifinals.
Kasama sa kanilang six-game streak ang 21-12 win laban kina Laborte at De Leon sa elims at 21-11 pananalasa sa mga baguhang sina Suzanne Roces at Abigail Escandor sa semifinals na nagbalik sa kanila sa finals kung saan makakaharap nila sina Navywoman Tabuena at ang bago nitong partner na si Erika Tiamzon.
Pinarisan nina Tabuena at Tiamzon ang six-game streak nina Siatan at Bohawe, na kanilang tinapos sa pamamagitan ng 21-15 triumph laban kina Laborte at Rubie de Leon sa two-day volleyball fiesta na suportado ng Petron.
Nakataya ang P10,000 sa champions sa Voltz Management Group-organized tournament na ito na suportado rin ng Philippine Charity Sweepstakes Office, PAGCOR at Toyota Pasong Tamo habang ang Speedo ang official outfitter at Mikasa ang official ball. Ang finals ay ipapalabas sa NBN-4 ng delayed basis sa tulong ni Abel Cruz ng ALC Productions and Visible Video.
Ang top two teams ay may automatic berths sa Petron Volleyball National Finals sa December kung saan maglalaban-laban ang mga nagkampeon sa series sa grand finale na magiging basehan ng queens of the sand-courts.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended