Pacquiao 'di namimili ng gloves

HOLLYWOOD, California -- Sa bibihirang pagkakataon, gagamit si Manny Pacquiao ng Mexican-made Cleto Reyes gloves, at Japan-manufactured Winning naman kay Erik Morales sa kanilang laban sa March 19 sa Las Vegas.

Noong una ay sinabi ni Morales na ang dating brand ni Pacquiao ang kanyang gagamitin ngunit ang sagot ng chief trainer ng Pinoy na si Freddie Roach ay: "No" dahil wala namang karapatan si Morales na magdikta.

"If he were the champion, it would have made sense because normally, champions are given the luxury to impose what brand of gloves to wear," ani Roach noong Biyernes matapos ang kanilang training ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Club sa Vine St.

Ang brand na Winning kilala sa pagbibigay ng superior protection sa mga boxers na may ‘malulutong’ na kamay habang ang mga guma-gamit ng Cleto Reyes ay mga puncher-type fighters gaya ni Pacquiao. "Wala namang problema sa dalawang gloves pero mas gusto ko ang hulma ng Cleto kasi pag tumama ay talagang ramdam na ramdam mo sa kamao," ani Pacquiao.

Bumili pa si Roach ng Winning gloves na nagkakahalaga ng $175 para kay Pacquiao para subukan ito ngunit mas pinili ng Pinoy boxers ang Cleto ($100).

"He’s no longer the champion so he can’t dictate. We are on equal grounds here. His promotional company (Top Rank) cannot dictate. The commission (Nevada State Athletic Commission) says we can use the other brand. I believe that until now Morales’ camp is still complaining."

Sa kanyang panalo kay Morales noong nakaraang taon, iginiit ni Bar-rera na gumamit ito ng Cleto Reyes, ngunit dahil si Morales ang reigning World Boxing Council super-featherweight champion noon, Gumamit si Barrera ng Winning. Ang resulta, naagaw ni Barrera ang korona.

"So it’s not really that big an issue. It’s just psychological because we don’t want Morales to have his way," dagdag ni Roach na naniniwalang hindi makakayanan ni Morales si Pacquiao.

Ngunit dahil ang promotional company Top Rank ni Morales ang lead promoter ng laban, posibleng magkaroon ng last-minute change ngunit kumpiyansa pa rin si Pacquiao na mananalo ito gamit ang Winning o Cleto Reyes.

"Basta’t tumama ka ng maga-da bale-wala ang glove," ani Pacquiao. (Ulat ni JMM)

Show comments