Roach kumpiyansa kay Pacquiao

HOLLYWOOD, California -- Walang binitiwang pahayag ang multi-awarded cornerman na si Freddie Roach nang tanungin noong Huwebes hinggil sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao sa Marso 19 kontra Erik Morales sa Las Vegas.

At isa lang ang siniguro niya.

"I have full confidence in what Manny can do and we know that Erik has a great right hand that we know how to avoid that (punch), wika ni Roach. "I don’t have any concerns, really."

"We’d like to work the body early and surely, the head will fall," dagdag pa ni Roach, na hindi rin kaila sa kanya kung gaano kataas ang reputasyon ni Morales sa pagkakaroon ng matikas na kamao.

"He’s been hurt a few times, but I think he’s never been knocked down but I believe Manny has the power to knock him out."

Maging ang pagkakaroon ni Morales ng bentahe sa timbang ay hindi nangangamba si Roach dahil batid na niya kung gaano kalakas ang kakayahan ng tubong GenSan fighter na kanyang nakatrabaho simula pa noong kalagitnaan ng 2001.

"The heavier Morales goes into the ring, the happier I will get. Morales weighed 144 lbs when he fought and lost to (Marco Antonio) Barrera last year. And putting on that amount of weight in 24 hours will make you slug-gish."

Ayon kay Roach, walang magiging problema sa Filipino champ na tinagriang Pacman na makarating sa 130-lbs., super-featherweight limit sa gabi ng kanilang 12-rounder at umaasa ito na ang kanyang mahusay na proteege ay tatapak sa 128 o kaya’y 129 lbs.

"Manny’s been training really hard and he just keeps on getting bet-ter," dagdag pa ni Roach matapos na pangasiwaan ang workouts ng dalawang pares ng Mexicans na sina Jose Sta. Cruz at Wary Beltran.

Sa kasalukuyan si Pacquiao ay mayroon ng kabuuang 153 rounds ng sparring at sa oras ng kanyang pagdating sa Las Vegas sa Lunes, siya ay armado ng 160 rounds kung saan siya ay huling makikipag-sparr sa Sabado. (Ulat ni JMMarquez)

Show comments