At ito ang mapapatunayan, makaraan ang lahat ng mga fans at sup-porter ni Manny Pacquiao ay mag-ambagan ng kanilang tulong para lamang masiguro ang matagumpay na kampanya ng Pinoy ring idol sa kanyang pakikipagharap sa Mexicanong si Erik Morales sa Marso 19 (Marso 20 sa Manila) sa MGM Grand sa Las Vegas.
Batay sa ulat ni Winchell Campos sa mannypacquiao.ph, ang website ni Pacquiao, sinabi nito na noong Linggo ay binasbasan si Pacquiao ng buong kongregasyon ng Christ the King Church nang tawagin ito sa harap ng Italian priest na si Rev. Fr. Antonio Cacciapuoti para ibigay ang kanyang dalangin at basbas.
Iniulat pa ng US based Pinoy writer na si Campos, na binigyan pa ng pari si Pacquiao ng itim na rosaryo na may basbas ni Pope John Paul II kung saan ipinangako ng Pinoy idol na kanyang isusuot sa gabi ng kanilang laban kasama ang isa pang rosaryo galing naman sa isang Recollect priest sa New York.
Noong nakaraang taon, nangako ang abogadong si Richard Wilner na aayusin ang aplikasyon ni Pacquiao sa green card ng libre. Tinu-lungan din ni Wilner ang mga kaibigan at ilang miyembro ng pamilya nito na makakuha ng tourist visa sa pagdagdag ng mga Pinoy sa Amerika na kinabibilangan ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo na ma-nonood sa kanyang laban.
Nagboluntaryo ang dentistang si Ed De La Vega sa kanyang serbisyo sa pag-gawa ng special made-to-fit mouthpiece ni Pacquiao na gagamitin sa laban, isang bagay na wala si Pacquiao sa mga nakalipas niyang laban.
Samantala ang mga ordinaryong fans na walang maibibigay ay nangako ng taimtim na dasal para sa tagumpay ni Pacquiao, ang kauna-unahang Pinoy na lalaro sa ilalim ng pay-per-view system.
Tumutulong din sa pang araw-araw na aktibidades ni Pacquiao ang mga kaibigan at volunteers na sina Joseph Jose, Pia Quejada, Joseph Ramos, Edward Lura at Greg Asuncion.
Noong Miyerkules, bumisita si Pacquiao sa HBO office at doon pumirma ng autographs para sa mga empleyado na kumukuha ng pay-per-view orders.