^

PSN Palaro

Pinoy gymnast, silver medalist sa American Cup

-
Walang duda na makakamit na ng bansa ang inaasam na kauna-unahang gintong medalya sa Olympic at ito ay posibleng magmula sa world-class Filipino gymnast.

Nagwagi si Roel Ramirez, isang Physical Education student mula sa University of the East ng silver medal sa katatapos pa lamang na American Cup, isang World Cup Category A tourna-ment na nilahukan ng mga top gymnasts mula sa buong mundo na dinaos noong Pebrero 21-25 sa Nassau Veterans Coliseum sa Long Island, New York.

Nagposte ang 21-anyos na si Ramirez, gold medalist sa Vietnam SEA Games dalawang taon na ang nakakaraan ng 9.312 sa vault event para sa men’s artistic gymnastics (MAG) na kapos lamang ng 0.144 puntos sa likod ng eventual gold winner na si Jeffrey Wammes ng The Netherlands.

Nagwagi rin ang 20-anyos na si Wammes ng ginto sa floor exercise sa pag-iskor ng 9.456, habang kinuha naman ni Luis Rivera ng Puerto Rico ang bronze sa kanyang naitalang 9.200 puntos.

"Sayang. Akala ko bandera na natin ang maitataas sa event ni Roel. Pero masaya na rin ako dahil we were able to prove na kayang makipagsabayan na," pahayag ni coach Sonny Ty, na sinamahan ang lima-kataong delegasyon kasama ang kanyang assistant na si Robin Padiz at head delagation at US-based team manager Johnny Valdez.

vuukle comment

AMERICAN CUP

JEFFREY WAMMES

JOHNNY VALDEZ

LONG ISLAND

LUIS RIVERA

NAGWAGI

NASSAU VETERANS COLISEUM

NEW YORK

PHYSICAL EDUCATION

PUERTO RICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with