Pacquiao-Morales fight masasaksihan ng mga Pinoy

May pagkakataon na ang milyung-milyong Filipino na masaksihan ang pinakahihintay at pinanabikang bakbakan ni Manny Pacquiao kay Erik Morales ng Mexico sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ang pagpapalabas ng umaatikabong sagu-paan ng taon ay pagtu-pad sa pangakong su-porta ni Manny Pangi-linan ng PLDT-Smart, sa kooperasyon ng Solar Sports, na isasa-ere sa RPN Channel 9. Ang Pacquiao-Morales fight ay isang pay-per-view event ng HBO.

"This gentleman is proud of your sports heroes, proud of his country and proud of the services his companies offer. That is truly some-thing," masayang paha-yag ni international pro-moter Murad Muham-mad nang mabalitaan na tutuparin ni Pangi-linan ang kanyang commitment kay Pac-quiao.

Isang top executive ng Solar Sports na si Peter Chan Liong ay nagsabing hawak nila ang ‘Exclusive broad-cast rights’ ng Pacquiao-Morales fight’ na tinagu-riang "Coming with Everything’ na ipapa-labas sa RPN Channel 9.

Binalaan ni Liong na ang sinumang radio o cable stations na magda-dala ng laban na isang iligal ay mahaharap sa multi-million peso da-mage suits dahil malaki ang binayaran ng Solar Sports para makuha ang exclusive rights nito. (Ulat ni Dina Marie Villena)

Show comments