^

PSN Palaro

Cortez, referee sa Pacquiao-Morales fight

-
Dalawang linggo na lamang ang nalalabi at ang pressure at panana-bik ay natatanaw na sa nakatakdang laban nina Manny Pacquiao at Erik Morales kung saan ang beterano at subok ng si Joe Cortez at tatlo pang hurado ang naatasang gumabay sa laban.

Si Cortez, kilala sa boxing circles na parehas at matatag ang siyang naatasang maging reperi sa superfeatherweight match na inaasahang magiging ‘Fight of the Year’. Balitang-balita ang mabilis na bentahan ng tikets para sa pinakahihintay na laban.

Ito ang ikatlong pagkakataon na si Cortez, ang Las Vegas-based referee mula sa Puerto Rico ay tatawag sa laban ni Pac-quiao sa MGM Grand sa Las Vegas at unang pagkakataon naman para kay Morales.

Ang tatlo pang hurado sa laban ay sina Dave Moretti, Chuck Giampa at Paul Smith, ang iisang set na nag-judge sa unang Winky Wright-Shane Mosley unification bout.

Binigyan ng mataas na pagtingin ni Shelly Finkel, ang bagong ma-nager ni Pacquiao, si Cor-tez at ang tatlong hurado at sinabing pawang mga professionals, competitive at parehas ang mga ito.

Noong nakaraang taon, nang makalaban ni Pacquiao si Juan Manuel Marquez para sa WBA at IBF featherweight championship magkakaiba ang paningin at pananaw ng tatlong hurado.

At ang pinakamalaking kamalian ay nagmula kay Nevada resident Burt Clemens na umiskor ng 113-113, isang pagkakamaling inamin pagkatapos ng laban. Dapat sanang iskor ni Clemens sa first round ay 10-6 dahil tatlong beses pinabagsak ni Pacquiao si Marquez, pero iniskoran ito ni Clemens ng 10-7 na nagresulta ng split draw at ipagkait kay Pacquiao ang panalo.

Samantala, nakipag-ispar na si Pacquiao ng kabuuang 137 rounds kabilang na ang huling 12 rounds sa pagbaba ng kanyang pagsasanay simula ngayong linggo.

"Ngayon pa lang ay 137 rounds na ang total sparring ko at mayroong pang 26 rounds na natitira na bubunuin ko this week," pahayag ni Pacquiao, na pansamantalang nagpahinga sa kanyang training noong Linggo. "Ngayon lang ako aabot ng ganoong karaming rounds."

Taliwas sa kanyang ginawang kahihiyan sa kanilang laban ni Marco Antonio Barrera noong huling bahagi ng 2003 sa San Antonio, Texas, umabot lamang ang GenSan puncher ng hindi bababa sa 100 rounds ng sparring.

BURT CLEMENS

CHUCK GIAMPA

CLEMENS

DAVE MORETTI

ERIK MORALES

FIGHT OF THE YEAR

JOE CORTEZ

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with