Altas hari ng National Seniors

DUMAGUETE City --Nag-bunga rin ang matagal ng hini-hintay ng University of Per-petual Help System- DALTA

Inagaw ng Altas ang korona mula sa Philippine Maritime Institute nang kanila itong pabagsakin sa iskor na 72-69 at dominahin ang inter-collegiate side ng 59th National Students Basketball Cham-pionship sa Lamberto Macias Cultural and Sports Centre dito.

Nalimita ng Altas ang Ad-mirals sa extra period, 6-3 matapos na dalhin ni Cris Sta. Maria ng PMI ang laro sa overtime matapos na itabla ang iskor sa 66-all.

Tinanghal si Noy Javier na Most Valuable Player ng tour-nament at kumunekta naman si Jonjon Refuerzo ng mahala-gang basket sa overtime upang biguin ang Admirals na makamit ang back-to-back titles matapos na dominahin ang tournament na ito noong nakaraang taon sa Lucena City.

Hindi pa man nagtatagal, muling nakatikim ang PMI ng panibagong kabiguan mata-pos na ang kanilang women’s team ang Lady Admirals ay lumasap ng 55-43 pagkatalo sa mga kamay ng mas mataas at matikas na Ateneo women’s squad upang isubi ang korona.

Bumandera si Javier sa Altas sa kanyang 18 puntos, habang nagdagdag naman si Refuerzo, ng 11 puntos at tig-10 puntos naman sina Fritz Bauzon at Balboa.

Show comments