^

PSN Palaro

Chinese-Taipei lalong tumatag

-
CEBU CITY -- Muling ipinakita ng Chinese Taipei ang kanilang dominasyon nang ipatikim sa Macau ang 25-17, 25-10, 25-17 panalo kahapon upang makausad sa second round ng 2006 World Men’s Volleyball Championships qualifying Asian Pool-C sa University of San Carlos gym.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Taiwanese na sumandig sa kanilang impresibong atake at mahusay na depensa sa loob ng 57 minutong pakikipaglaban.

Muling nakakuha ang Chinese Taipei, kasalukuyang No. 36 sa FIVB rankings ng malaking puntos mula sa team captain na si Lin Hsien Chen, na siyang top scorer ng koponan matapos na kumubra ng 14 puntos.

"We always give our best in every match. We are happy that we advanced in the second round," pahayag ni Chinese Taipei coach Chang Mu San.

Agad na ibinaon ng Taiwanese ang Macau sa 15-5 kalamangan bago nanalo sa first set sa loob lamang ng 20 minutos.

"We did our best but Chinese Taipei is a very strong team," ani pa ni Macau coach Leong Veng Tong. Tumapos si Chuen Ki ng 13 puntos, kabilang ang 12 kills para sa Macau na lumasap ng kanilang ikatlong kabiguan matapos ang apat na laro.

ASIAN POOL-C

CHANG MU SAN

CHINESE TAIPEI

CHUEN KI

LEONG VENG TONG

LIN HSIEN CHEN

MACAU

UNIVERSITY OF SAN CARLOS

VOLLEYBALL CHAMPIONSHIPS

WORLD MEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with