5 Pinoy cue masters umusad
March 6, 2005 | 12:00am
Maagang nagpamalas ng dominasyon ang mga paboritong sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante makaraang igupo ang kani-kanilang kalaban at umusad sa quarterfinals laban sa mga mapanganib na kalaban sa first leg ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Suntec City sa Singapore.
Walang hirap na dinispatsa ni Reyes ang Vietnamese na si Vu Trong Kai, 9-5, sa second round upang itakda ang duelo laban kay Antonio Gabica na lumusot din sa quarterfinals makaraan ang, 9-2 tagumpay kontra sa Hapones na si Kunihiko Takahashi.
Inaasahang magiging sagabal sa landas ni Reyes si Gabica sa tor-neong ito na inorganisa at isinasa-ere ng ESPN STAR Sports makaraang silatin ang "The Magician" kamakailan lamang sa Hope P1Million all-Filipino Billiards Open.
Sa kabilang dako naman, si Bustamante na nanaig kay Lin Di-Di ng China, 9-4, bago nag-poste ng 9-2 pamamayani kay Vietnamese Nguyen Thant Nam, ay makakaharap naman si Yang Ching Shun ng Chinese-Taipei, ang kampeon sa Hong Kong leg noong nakaraang taon.
Ang engkuwentro nina Reyes at Gabica, at bakbakang Bustamante-Yang ay tatampukan din ng nakatakdang laban ng dalawa pang Pinoy na sina Lee Van Corteza at Gandy Valle sa isa pang quarterfinal pairing.
Ito ang unang pagkakataon sa Tour sapul nang umpisahan ito may dalawang taon na ang nakalilipas na ang lahat ng lahok na Pinoy ay nakausad sa quarterfinals.
Bagamat naging madali para kina Reyes, Bustamante at Gabica ang daan patungo sa susunod na round hirap namang nakalusot sina Corteza at Valle.
Nagrally si Corteza mula sa 4-6 deficit bago itakas ang 9-8 panalo kay Satoshi Kawabata ng Japan.
Naghahabol naman sa kabuuan ng laban si Valle bago isinubi ang huling tatlong racks upang payukurin si William Ang Boon Lay ng Singapore, 9-8 at isaayos ang quarterfinal showdown sa kababayang si Corteza sa $50,000 Tour na bibiyahe din sa Jakarta, Kaoshiung at Manila at ang top ten ay uusad sa World Pool Championships.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended