Red Lions taob sa Dolphins
March 6, 2005 | 12:00am
DUMAGUETE City--Naglabas ng mahusay na depensa ang Philippine Chris-tian University upang pataubin ang San Beda College, 82-73 at ibulsa ang korona sa inter-secondary competition ng National Students Basketball Championship sa Lamberto Macias Cultural and Sports Centre dito.
Nagsanib ng puwersa ang magkapatid na sina Allan at James Mangahas at ang 67 na si Rabeh Al-Hussaini upang tanggalan ng korona ang two-time defending champion Red Cubs na tangkang maka-sungkit ng grandslam sa isang linggong tournament na ito na magkatulong na inorganisa ng Basketball Association of the Philippines (BAP) at ng provincial government ng Negros Oriental.
Tumapos si Al-Hussaini, isang Fil-Iraqi ng 21 puntos kung saan siya ang naging instrumento upang malimitahan ang mga malalaking tao ng San Beda at nakaraang taong MVP na si JR Taganas sa 11 puntos.
Kumana rin si Allan Manga-has ng 21 puntos, habang ang kanyang nakakatandang kapatid na si James ay nagdagdag ng 15 puntos kabilang ang apat na krusiyal na basket sa fourth quarter.
Nauna rito, tinalo naman ng St. Clare College (Caloocan) ang Holy Child of Davao, 104-79 para sa ikatlong posisyon na pagtatapos sa kanilang kauna-unahang paglahok sa inter-secondary side ng tournament na ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest