Binanderahan ng two-time Asian Games veteran na si Lin Hsien Chen, naglabas ang Taiwanese ng mahusay na porma upang igupo ang Filipinos, 25-21, 25-14, 25-20.
Sinikap ng Philippines na makapagtala ng upset na panalo laban sa mas matikas na kalaban, subalit nanaig ang dominasyon ng Chinese Taipei, ranked 39th sa FIVB world rankings.
Nagsilbing inspirasyon ng Chinese Taipei si Lin Hsien Chen nang umiskor ito ng 17 puntos upang ipalasap sa Philippines ang kanilang unang kabi-guan sa limang-araw na event na ito na inorganisa ng Philippine Volleyball Federation at suportado ng Philippine Sports Commission, 2go/Super Ferry, Air Philippines, Sogo Hotel, Bacchus Energy Drink, PCSO, Cebu Visitors and Conventions Bureau, Trapik.-Com, Speed Magazine, Pepsi, Gatorade at White Beauty Phils.
"My team is very strong. We are confident of winning against the Philippines," wika ni Chinese Taipei coach Chang Mu San, na siya ng gumiya sa koponan simula pa noong 2001.
Nagtala rin si Lin, na lumaro sa Busan at Bangkok Asian Games ng 15 kills at kumana naman si Lien Chieh Chih ng 11 nang basagin ng Chinese Taipei ang 17-all pagtatabla sa third set. Naging mahusay ang depensa ng Taiwanes upang tuluyang isara ang laban sa 76 minutos.
"Chinese Taipei is the strongest team competing in this qualifying tourna-ment. We lost the match but we put up a good fight. We never gave up until the end," ani naman ni Philippine head coach Sergio Isada Jr. Nanalo ang Filipinos laban sa Macau,25-13, 25-17, 25-19, noong nakaraang Miyerkules.
Samantala, umiskor naman ang Macau ng 29-27, 25-20, 25-21 panalo laban sa Tonga na lumaro sa kanilang kauna-una-hang inter-national event at natatanging Pacific Island country na lumahok sa World Championship sa taong ito.