Pagod sa pagpirma ng autographs at magpose sa harap ng kamera noong gabi ng exhibition games para sa mga fans, hindi naging maganda ang panimula ni Reyes at hinintay na lamang ang unti-unting pagkulapso si Poomjaeng sa 11th rack upang makuha ang tatlo sa huling limang sets at umusad sa susunod na round.
"Nawala ako sa timing at ang lalaki ng mga butas," ani Reyes habang dinumog uli ng mga fans para magpirma at magpakuha ng litrato.
"Wala akong choice kundi i-entertain sila. Kung mabigat ang kalaban ko, tiyak na talo ako agad," dagdag ni Reyes.
Abante si Reyes sa 6-4, masyadong maluwang ang corner shot niya sa second ball ay hindi natantiya ang linya ng cue ball sa susunod na tira na nagbigay daan kay Reyes na linisin ang bola at wakasan ang pag-asa ng Thai.
Bagamat nagrally si Poomjaeng mula sa 8-4 deficit nang kunin ang dalawang sunod na racks, nagmintis ito sa kanyang opening shot sa 15th rack na nagbigay daan para malinis ni Reyes ang lamesa at tuluyang igupo ang Thai.
Susunod na makakaharap ni Reyes si Vu Trong Khai ng Vietnam at Korean Ham Won-Sik sa second round.
Ang magandang simula ng kampanya ng Pinoy ay sinundan ng isa pang panalo nang pataubin naman ni Antonio Gabica ang Hapones na si Kunihiko Takahashi, 9-4 at inaasahang makakalaban si Reyes sa quarterfinals kung tatalunin ng Cebuano ace ang magwawagi sa pagitan nina Toh Lian-Han ng Singapore at Kuo Po Cheng ng Chinese-Taipei sa second round na bakbakan.
Ang iba pang Pinoy cue masters na kasali sa event na ito na inorganisa ng ESPN-STAR Sports ay sina Francisco Django Bustamante, Lee Van Corteza at Gandy Valle na kasalukuyang nakikipag-laban pa habang sinu-sulat ang balitang ito.
Kalaban ng second-rank na si Bustamante si Lin Di-Di ng China, Cor-teza vs Muhamad Junarto ng Indonesia at Valle kontra kay Au Siu-Wai ng Hong Kong.
Pagkatapos ng Singa-pore, susunod na biyahe ng 9-Ball Tour ay sa Jakarta, Kaohshiung at Manila. Ang top 10 players sa Tour Order of Merit ay kuwalipikado sa World Pool Championships.