^

PSN Palaro

Espinosa, bugbog-sarado

-
Nakakalungkot at nakakaawang mabalitaan na ang isa sa tinaguriang Philippines all-time greats na si Luisito Espinosa ay binugbog ng mas batang boksingero sa katauhan ni Cristobal Cruz at tuluyang pabagsakin sa ikatlong round ng kanilang naka-takdang 10 round main event sa Stockton Memorial Civic Auditorium noong Sabado ng umaga.

Pinabagsak ni Cruz ang 37 anyos na dating world bantamweight at featherweight champion na si Espinosa sa pama-magitan ng matinding left hook sa dulo ng first round at halos mangatog ang paa. Ito ang pahayag ni Andy Rivera na nasa ringside upang bigyan ng moral support ang dating Pinoy champ. Si Rivera ay ang anak ng unang manager ni Espinosa na si Hermie Rivera na gumiya sa kanya sa world bantamweight crown at palaging nagnanais na magretiro na ang kan-yang premyadong bata ngunit laging ipinapaliwa-nag ni Espinosa na kaila-ngan niyang lumaban para sa kanyang pamilya dahil hanggang sa kasa-lukuyan ay hindi pa niya natatanggap ang $150,000 premyo sa kanyang title defense kontra kay Carlos Rios sa Koronadal may ilang taon na ang nakakalipas.

Ayon sa ulat, halos hindi alam ni Espinosa ang kanyang puwesto makaraang makalasap ng bugbog at mabigyan na ng dalawang standing eight counts. May isang senaryo pa na halos ilig-tas na ng reperi si Espi-nosa sa paglipad papala-bas ng ring sa ikalawang round.

At sa ikatlong round, isang malutong na left hook ang pinakawalan ni Cruz na nagpabagsak kay Espinosa at matagal bago nakabangon.

vuukle comment

ANDY RIVERA

AYON

CARLOS RIOS

CRISTOBAL CRUZ

CRUZ

ESPINOSA

HERMIE RIVERA

LUISITO ESPINOSA

SI RIVERA

STOCKTON MEMORIAL CIVIC AUDITORIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with