Soliman di umubra kay Lining
February 14, 2005 | 12:00am
Ginamit ni Antonio Lining ang kanyang pagkabeterano upang pigilan ang bantang upset ng di-gaanong kilala na si Allan Soliman, 7-2 sa quali-fying phase ng Hope P1-Million All-Filipino Billiard Open sa Bowling Inn and Billiards Center sa Taft Avenue, Manila.
Matapos mapagwagian ang lag, umiskor ng tatlong sunod na run out si Lining upang ma-pressure ang hindi gaanong kilalang kalaban.
Ibinulsa ang dalawang bola sa ikaapat na serbisyo ngunit mas pinili na i-safety ang bola nang sipatin nitong nasa alanganing puwesto ang bola.
Sinamantala naman ito ni Soliman at nilinis ang mesa ngunit bigo pa rin itong makuha ang break na nagbigay daan kay Lining na makatira at muling makakuha ng rack.
Nagwagi din ang ilang paborito sa opening round ng qualifying phase na sina Dennis Orcullo, Jeffrey De Luna, Boy Ducanes, Roberto Gomez, Robert Dy at Victor Arpilleda.
Pinabagsak ni Orcullo si Jun Salazar, 7-6, tinalo ni De Luna si Jerome Penia, 7-3, ginapi ni Ducanes si Andy Tolentino, 7-4, pinayuko ni Gomez si Eduardo Reyes, 7-3 at naungusan ni Arpilleda si Troy Danao, 7-5.
Ang walong pangunahing magtatapos sa tatlong araw na elimination ay makakasama ang mga seeded players sa Final 16 sa Pebrero 21-27.
Ang mga seeded players ay sina Efren Bata Reyes, Francisco Django Busta-mante, Alex Pagulayan, Warren Kiamco, Marlon Ma-nalo, Lee Van Corteza, Rodolfo Luat at Leonardo Andam.
Ang semifinals ay gaga-napin sa IBC-13 studio sa Pebrero 21-25 at ang finals ay idaraos sa Bellevue Hotel sa Ayala Alabang Muntinlupa City sa Pebrero 26-27.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest