Noong 1980s, may dalawa tayong namanmanang mga ex-NBA centers sa PBA. Ang isa rito ay ang 7'0 na si Jim Zoet, na isang taon lamang ang itinagal sa NBA, at halos walang nagawa.
Ang mas naaalala ng mga tao ay si Otto Moore, na lehitimong naglaro para sa anim na koponan sa siyam na taon sa NBA noong 1970s.
Noong kapanahunan ng two-import format, kakampi ni Moore ang napakalakas na umiskor na si Larry Pounds.
Ngayon, sinusubukan ng Purefoods Hotdogs na kunin si Priest Lauderdale, isang 74" na tubong Amerika, subalit sikat ngayon sa Bulgaria.
Si Lauderdale, 31, ay palipat-lipat sa mga NBA teams noong dekada 90, at napadpad sa Academia Sofia sa Bulgarian League.
Dahil mahina ang pambansang koponan doon, ginawang Bulgarian citizen si Lauderdale. Noong nakaraang taon, sumali ang koponan niya sa ULEB Cup, isa sa pinakamalakas na liga sa Europa.
Sa 42 koponan, ang Bulgaria ang nagkampeon. Tinanghal na MVP si Lauderdale.
Liban sa Purefoods, sinusubukan din ng FedEx Express na kunin ang pinakamatangkad na mahahanap nila.
Napupusuan nila si Anthony Miller, isang 610" na sentrong sampung taon nang palipat-lipat sa Los Angeles, Atlanta, Houston at Philadelphia sa NBA, subalit bihirang gamitin.
Kung di umubra, naririyan ang 73" na produkto ng Central Connecticut State University na si Keith Closs. Si Closs ay beterano ng Los Angeles Clippers.
Kung matuloy si Closs at Lauderdale, manliliit ang mga lokal na manlalaro natin.
Paano nila sasalubungin ang bagong hamong ito?