^

PSN Palaro

Pagbabalik ng mga higante

GAME NA! - Bill Velasco -
Dalawang dekada na nang huli tayong nakakita ng mga 7-footer sa PBA. Subalit, sa pag-alis ng height limit sa mga import, hindi malayo’ng makakita tayo ng mga Gulliver sa Pilipinas.

Noong 1980’s, may dalawa tayong namanmanang mga ex-NBA centers sa PBA. Ang isa rito ay ang 7'0 na si Jim Zoet, na isang taon lamang ang itinagal sa NBA, at halos walang nagawa.

Ang mas naaalala ng mga tao ay si Otto Moore, na lehitimong naglaro para sa anim na koponan sa siyam na taon sa NBA noong 1970’s.

Noong kapanahunan ng two-import format, kakampi ni Moore ang napakalakas na umiskor na si Larry Pounds.

Ngayon, sinusubukan ng Purefoods Hotdogs na kunin si Priest Lauderdale, isang 7’4" na tubong Amerika, subalit sikat ngayon sa Bulgaria.

Si Lauderdale, 31, ay palipat-lipat sa mga NBA teams noong dekada ’90, at napadpad sa Academia Sofia sa Bulgarian League.

Dahil mahina ang pambansang koponan doon, ginawang Bulgarian citizen si Lauderdale. Noong nakaraang taon, sumali ang koponan niya sa ULEB Cup, isa sa pinakamalakas na liga sa Europa.

Sa 42 koponan, ang Bulgaria ang nagkampeon. Tinanghal na MVP si Lauderdale.

Liban sa Purefoods, sinusubukan din ng FedEx Express na kunin ang pinakamatangkad na mahahanap nila.

Napupusuan nila si Anthony Miller, isang 6’10" na sentrong sampung taon nang palipat-lipat sa Los Angeles, Atlanta, Houston at Philadelphia sa NBA, subalit bihirang gamitin.

Kung di umubra, naririyan ang 7’3" na produkto ng Central Connecticut State University na si Keith Closs. Si Closs ay beterano ng Los Angeles Clippers.

Kung matuloy si Closs at Lauderdale, manliliit ang mga lokal na manlalaro natin.

Paano nila sasalubungin ang bagong hamong ito?

ACADEMIA SOFIA

ANTHONY MILLER

BULGARIAN LEAGUE

CENTRAL CONNECTICUT STATE UNIVERSITY

JIM ZOET

KEITH CLOSS

LARRY POUNDS

LOS ANGELES

LOS ANGELES CLIPPERS

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with