Taglay ni Espinosa, naninirahan sa US West Coast simula pa noong 1998 kasama ang asawang si Mariechie, ang ring record na 47-12-0 win-loss-draw na tinampukan ng 26 knockouts.
Dating hawak ni Espinosa ang World Boxing Association (WBA) bantamweight title mula Oktubre 1989 hanggang Oktubre 1991 at nagningning ang boxing career noong 1995 makaraang agawin ang trono sa World Boxing Council featherweight at pitong beses naidepensa laban sa mga Mexicano na sina Alejandro "Cobrita" Gonzales, Cesar Soto, Manuel Medina at Juan Carlos Ramirez, Hapones na si Nobutsohi Hiranaka, Argentinian Carlos Rios at American Kennedy McKinney.
Isinuko ang naturang korona sa kanyang rematch kay Soto sa El Paso noong Mayo 1999 sa pamamagitan ng kontrobersiyal na desisyon.
Sa kabilang dako, ang 27 anyos na si Cruz, na nakabase sa Tijuana, ay ang huling minutong kapalit ng orihinal na kalabang Mexican na makakalaban ni Espinosa, ay may 29-7-1 ring record na ang 18 panalo ay mula sa knockouts at umakyat ito sa professional noong 1992 ilang buwan matapos na matalo ang WBA bantam title ni Espinosa sa Venezuelan na si Israel Contreras sa Araneta Coliseum.