Magtatangkang bumawi ang Letran at PSC

Magtatangkang bumawi ang Philippine Sports Commission at Letran upang mapigilan ang rematch sa pagitan ng University of Santo Tomas at La Salle para sa korona ng Shakey’s V-League.

Sa Game-Two ng kanilang best-of-three semifinal series, muling haharapin ng Tigress ang Lady Legends sa ala-una ng hapong bakbakan na agad susundan naman ng salpukan ng Letran at Lady Archers sa alas-3 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Inaanyayahan ang lahat na manood sa Rizal Memorial Coliseum kung saan libre ito at mapapanood naman ngayong alas-8 ng gabi ang PSC-UST match sa IBC-13 at ang La Salle-Letran naman ay kinabukasan simula alas-8 din ng gabi sa event na hatid din ng Dunkin Donuts, HBC Home of Beauty Exclusives, Smart at PLDT kung saan ang Mikasa at Accel ang official volleyball at outfitter, ayon sa pagkakasunod.

Ngunit hindi papayag ang UST at La Salle na paabutin pa sa Game- Three ang kanilang laban dahil kapwa nananabik na ang dalawa sa kanilang nakatakdang rematch.

Show comments