May maitutulong pa ba si Finkel sa career ni Pacquiao
February 6, 2005 | 12:00am
Sa sorpresang maniobra sa career ni Manny Pacquiao kung saan inilaglag nito ang kanyang Pinoy manager na si Marty Elorde kapalit ni American Shelly Finkel noong nakaraang Martes, mainit na umuugong naman ang balitang ilalaglag na rin nito ang kanyang American promoter na si Murad Muhammad.
Batay sa ulat ni David Avila ng Maxboxing handa na umanong bumitiw si Pacquiao kay Muhammad.
At dahil sa mga legal na responde mula kina Elorde at Muhammad, marami ang nagtataka kung bakit naisipan ito ni Pacquiao gayung anim na linggo na lamang ang namamagitan sa kanyang mega fight kay Erik Morales.
Higit na tinutukoy ang pagkuha ni Pacquiao kay Finkel bilang manager gayung nasa tugatog na ng tagumpay ang kanyang career.
At kapag walang naging balakid sa laban ni Pacquiao, susunod niyang makakaharap sina Juan Manuel Marquez at Marco Antonio Barrera. At sa kanyang laban kay Morales, kikita si Pacquiao ng seven-figure payday at mahusay itong trinabaho ni Elorde.
Ano ang maaring magawa ni Finkel para kay Pacquiao?
Hindi na naman puwedeng gawing mas malaking star, kumuha ng mas malaking fight at mas malaking premyo para kay Pacquiao dahil nasa Pinoy na ang lahat ng ito.
Para sa kapakanan ni Pacquiao marami ang umaasang hindi magkakaroon ng negatibong epekto ang pagkakaroon niya ng bagong manager at lifestyle sa kanyang pag-akyat sa ring sa Marso 19 dahil nahaharap ito sa isa sa pinakamapanganib na fighter sa larangan ng boxing. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended