Kasalukuyang nasa No. 4 slot ang Lady Knights na may 5-6 win-loss slate kasunod ang Lady Pirates na may 4-7 card.
Ang panalo ng Lyceum ang magluluklok sa kanila sa semis base sa superior quotient score matapos manalo sa Muralla-based belles, 25-20, 26-28, 25-16, 27-25, sa kanilang first round duel noong Dec. 12.
Ang mananalo sa alauna ng hapong laban na ipapalabas ngayong alas-8:00 ng gabi sa IBC-13, ang sasama sa mga early semifinalist na UST, La Salle at Philippine Sports Commission.
Alas-3:00 naman ng hapon ang sagupaang PSC na may 7-11 kartada at La Salle na determinadong dugtungan ang kanilang winning streak.Mapapanood naman ang labang ito sa IBC-13 sa alas-8:00 ng gabi bukas.Dito malalaman kung sino ang makakalaban ng mga Lady Legends sa semis.
Kung mananalo sila, makakaharap nila ang La Salle at kung matatalo naman ay makakalaban nila ang UST.