Asi lalaro o hindi?
January 30, 2005 | 12:00am
Isang malaking palaisipan sa lahat kung lalaro si Asi Taulava o hindi?
Nasa Talk N Text na ang huling desisyon kung isasalang nila ang kontrobersiyal na manlalaro sa Game-One ng best-of-seven titular showdown ng Gran Matador Philippine Cup finals laban sa Barangay Ginebra na sasambulat sa Araneta Coliseum.
Maaaring paglaruin ng Phone Pals si Taulava dahil may order ang Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) sa PBA na payagan itong maglaro.
Ngunit kung isasalang ng Talk N Text si Taulava, nakaamba ang mabigat na parusa sa PBA na nanindigan sa kanilang suspensiyon sa kanilang manlalaro.
"Talk N Text will be dealt by the leagues rules at the appropriate time," ani Eala.
Ikinatuwiran ng PBA na ang kanilang desisyong paglaruin si Taulava ay depende sa magiging pinal na resolusyon sa kaso na nasa Court of Appeals na ngayon.
Desidido ang Phone Pals na paglaruin ngayon si Taulava base na rin sa payo ng abogado ng player na si Atty. Eduardo Francisco.
Dahil dito, kailangang paghandaan ng Gin Kings sa alas-6:30 ng ga-bing sagupaan ang posibleng pagbabalik laro ni Taulava ngayon.
Nakuha ng Ginebra ang karapatang hamunin ang Phone Pals para sa titulo nang kanilang angkinin ang best-of-five semifinal series sa 3-2 matapos ang 76-71 panalo sa deciding Game-Five kamakalawa laban sa San Miguel.
Matapos mabigong makapasok sa finals, maghaharap naman ang SMBeer at Shell Velocity para sa konsolasyong ikatlong posisyon sa unang laro, alas-4:00 ng hapon. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am