Dahil dito, Sasamahan ng Archers sa quarterfinals ang Granny Goose Tortillos, AMP-Ateneo at Welcoat.
Sa likod ng ikapitong talo sa 14-laro, may twice-to-beat advantage na ang Paint Masters tulad ng Granny Goose bilang no. 3 at 4 teams.
Dahil dito, nadiskaril ang pangarap ng Toyota Otis-Letran na makapasok sa susunod na round.
Kung natalo ang Archers na magbubunga ng pagtatabla sa ikaanim na puwesto, ang Letran sana ang uusad sa susunod na round sa bisa ng kanilang mas mataas na qoutient dahil dalawang beses nila tinalo ang La Salle sa eliminations.
Tumapos si Mark Cardona ng 31-puntos para pamunuan ang La Salle na tumapos ng 6-8 kartada.