^

PSN Palaro

PBL Open Championship: Twice-to-beat ticket kuha ng Granny Goose

-
Napasakamay ng Granny Goose Tortillos ang unang twice-to-beat ticket sa playoff round matapos ang isang come-from-behind na panalo laban sa inaalat na Toyota Otis-Letran, 69-67 sa pag-usad ng PBL Open Championship sa punum-punong FEU Gym.

Umiskor si JR Quiñahan, ng lima sa kanyang game-high na 23-puntos sa huling tatlong minuto ng labanan upang ihatid ang Snackmasters sa ikawalong panalo matapos ang 13-laro upang maging matatag sa ikatlong puwesto.

Nasayang ang 12-puntos na kalamangan ng Letran matapos malasap ang kanilang ikalimang talo sa 13-laro na nagpalabo ng kanilang tsansa sa No. 4 na mabibiyayaan ng huling twice-to-beat slot patungo sa playoff round kung saan ang No. 3 team at sasagupa sa No. 6 at No. 4 ay ba-bangga sa No. 5 team.

Ang mananalo sa dalawang playoff series ay makakasama ng mga semifinalists Magnolia Ice Cream at Montana Pawnshop na di na dadaan ng playoff round matapos masiguro ang top-two positions na may gantimpalang awtomatikong semis slot.

Ang mga playoff quali-fiers ay haharapin ng Wizards at Jewels sa best-of-three affair.

"Medyo bumabalik na ang confidence ng mga bata, maganda ito dahil tumataas naman ang morale namin," sabi ni Tan.

Pinangunahan ni Mark Macapagal ang Knights na may 15 points, kabilang ang buzzer-beating sa pagtatapos ng third quarter katulong si Ronjay Enrile na may 14 points ngunit nawalan ito ng saysay bunga ng kanilang kabiguan.

vuukle comment

GRANNY GOOSE TORTILLOS

LETRAN

MAGNOLIA ICE CREAM

MARK MACAPAGAL

MEDYO

MONTANA PAWNSHOP

NAPASAKAMAY

OPEN CHAMPIONSHIP

RONJAY ENRILE

TOYOTA OTIS-LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with