Ang announcement ay gaganapin sa halftime ng unang laro ng Gran Matador Philippine Cup na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong gabi.
Ilan sa mga nabanggit na pangalan ni Reyes na mapapasama sa kanyang listahan ay sina Jay-jay Helterbrand, Willie Miller, Danny Seigle, Eric Menk at Billy Mamaril bilang kanyang starting line-up at sina Jimmy Alapag, Nic Belasco, Tony dela Cruz, Enrico Villanueva at Dennis Espino sa second team.
Napipisil din ni Reyes sina Renren Ritualo at Rafi Reavis bilang role players at para lagyan ng international experience ang team.
Ang iba pang nasa wish list ni Reyes ay sina Mark Telan, Yancy de Ocampo, Mark Pingris, Ali Peek, Kerby Raymundo, John Arigo, Dondon Hontiveros, Brandon Cablay, Junthy Valenzuela,Lordy Tugade, Mark Caguioa, Sonny Thoss, Rich Alvarez at James Yap.
May mga amateur players din na tinitignan si Reyes na kinabibilangan nina Arwind Santos ng FEU, L.A. Tenorio ng Ateneo, Mark Cardona ng La Salle, Gabby Espinas ng PCU at Anthony Washington ng PBL team na Welcoat.
Ang koponang bubuuin ni Reyes ay siyang inaasahang magbabalik sa bansa sa tugatog ng tagumpay sa larangan ng basketball.
Nakatutok ang PBA sa inaasam na tagumpay sa 2007 Asian Basketball Championships na siyang qualifying tournament para sa 2008 Beijing Olympics ngunit nais munang hasain ni Reyes ang mabubuong team sa Asian at World Championships na darating.
Magkakaroon ng hiwalay na ensayo ang mga players nito sa kanilang mother ballclubs at unti-unting mababawasan ang bilang ng mga players hanggang sa mabuo na ni Reyes ang 12-man roster na siyang kakatawan ng bansa sa mga malalaking international meets. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)