Pinatahimik ni Marquez si Whiz Noche ng NCR matapos ang 29 sulungan ng Caro-Kahn upang maghari sa junior division na may 3 panalo at isang talong rekord.
Sa kabilang dako, binaligtad naman ni Lo ng Quezon City ang losing position at magwagi matapos ang 41 moves ng Sicilian Variation kontra kay Raymund Astillero ng Valenzuela City at magtapos na may 4.5 puntos na may 4 wins at one draw sa paghahari sa under-12 section.
Sa under 10 bracket, nagsosyo naman ang 9- year old na si Aldous Roy Coronel ng Quezon City at Jerome Corpuz ng Nueva Ecija sa first at second top positions upang makopo ang dala-wa pa sa limang nalalabing slots.
Tinalo ni Coronel ang 7 year old na si Jose Mari Caniones sa 41 moves ng Reti habang dinispatsa naman ni Corpuz si Ivan Czar Marquez sa 32 moves ng Marshall Attack.
Kumumpleto sa cast ng 7 semifinalists na aabante sa final ay sina Antoni Angelo Seloterio, Might Noche at Astillero.
Makakaharap nila ang mga miyembro ng 2004 Milo Checkmate squad na nakatakda ngayong ala-una ng hapon.