Ayon kay Cojuangco, palalakasin niya ang Philippine sports sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga private corporation na supor-tahan ang bawat association na nasa ilalim ng POC.
Inalis rin niya ang pag-aalinlangan sa kanyang pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission (PSC) na dating nakaaway ni former POC chief Celso Dayrit dahilan sa ilang alituntunin ng magkabilang kampo ukol sa tamang pagpapatakbo ng Philippine sports.
"I will be able to work with anyone," sabi ng 70-anyos na si Cojuangco, pangulo ng equestrian association sa kanyang pakikipag-isa sa sports commission. "Any problems there were on the matter was brought only by lack of communications between the two bodies."
Inamin ni Cojuangco na magiging mabigat ang kanyang tungkulin lalo nat ang Pilipinas ang tatayong host ng 23rd Southeast Asian Games sa 2005.
"I need the support of everyone for us to be able to make the 2005 Philippine Southeast Asian Games a success," ani Cojuangco, tumatayo ring vice-chairman ni dating Tourism Secretary Roberto Pagdanganan sa binuong Philippine SEA Games Organizing Com-mittee (PHILSOC).
Isang panukala ng isang Canadian construction firm ang pinag-aaralan ng bagong POC head hinggil sa pagtatayo ng isang bagong state-of-the-art na sports stadium na gagamitin sa 2005 SEA Games.
Ayon sa nasabing Canadian construction firm, kaya nilang itayo ang isang 10,000-seater stadium na papalit sa maalamat na 70-year old Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.
Ang pagiging overall champion ang siyang pinapangarap ni Co-juangco na makuha ng bansa sa pamamahala sa naturang biennial event sa 2005.
Sa 1991 Manila SEA Games, nakakolekta ang mga Filipino athletes ng kabuuan 91 gintong medalya upang sumegunda sa nasikwat na 92 ng overall champion Indo-nesia.
Bukod kay Cojuangco, ang iba pang nailuklok sa POC ay sina Robert Aventajado ng taekwondo (chairman), Bacolod Rep. Monico Puentevella ng weightlifting (1st vice-president), Capt. Rey Jaylo ng judo (2nd vice-president), Julian Ca-macho ng wushu (trea-surer) at Mario Tan-changco ng sepak takraw (auditor).
Miyembro naman ng POC Board sina Harry Angping ng softball, Victor Valbuena ng table tennis, Sultan Jamalul Kiram III ng pencak silat at PNP Gen. Edgardo Aglipay ng badminton.