Nakaligtas sa drama at init ng Taiwanese ang powerhouse Japan, 5-0 upang maibalik sa kanila ang korona sa 8th Asian Womens Softball Cham-pionship sa Rizal Memorial Stadium, kahapon.
Tatlong pitchers na bumandera sa Japanese sa bronze medal na pag-tatapos sa nakaraang Olympic Games sa Athens, ang muling nagpamalas ng magnipi-kong trabaho, na nagsa-ma sa tatlong hits habang kumuha ng 6-hit na suporta upang maibalik ng Japan ang kanilang koronang naagaw sa naging third place ngayon na China noong 1987.
Bumato ng one-hitter sa apat na inning si Juri Takayama, pumukol na-man ng no-hitter ang reliever na si Yukuki Ueno sa dalawang inning at dalawa kay Yuko Endo nang ipamalas ng Japanese ang kanilang supremidad laban sa Taiwanese na pumasok sa finals sa kauna-unahang pag-kakataon.
Gayunpaman, memorable pa rin para sa Taiwanese ang kanilang narating dahil hindi nila ito inaasahan sa torneong humatak ng record-tying 12 nations.
Napasok sila sa finals makaraang daigin ang China 5-4, sa one-game championship ng liga kung saan ang top three finishers ay aabante sa world meet na nakatakda sa 2006 sa Beijing.
Sa naunang laro, nalusutan ng Philippine Blu Girls ang South Korea sa pamamagitan ng 10-9 panalo at pumanglima sa 12-nation meet na inor-ganisa ng Amateur Softball Association of the Philippines para pumang-lima sa torneong ito.