^

PSN Palaro

Shakey’s V-League second conference: Lyceum handang pigilan ang UST

-
Ang pigilan ang pananalasa ng defending champion University of Santo Tomas ang nais ng Lyceum sa kanilang pagtatagpo ngayon habang magtitipan naman ang Far Eastern University at San Sebastian sa labanan ng mga naghahabol na teams sa Shakey’s V-League second conference sa Rizal Memorial Coliseum.

Inaasahang magiging kapana-panabik ang bakbakan na ito ng UST Tigress at Lyceum Lady Pirates sa ganap na ala-una ng hapon.

"Malakas din ang team na ito, magaling din dumepensa," ani UST coach Augusto Sta. Maria, na sumandal sa pinagsamang 31 hits nina Kate Co Yu Kang, Roxanne Pimentel at Mary Jean Balse sa kanilang panalo sa FEU.

Sa isa pang laban, umaasa naman ang FEU na mapapaangat nila ang 1-4 record nila sa kanilang pakikipaglaban sa San Sebastian College sa ganap na alas-3 ng hapon event na ito na itinataguyod ng Shakey’s Pizza at suportado din ng Dunkin Donuts, HBC Home of Beauty Exclusives, Smart at PLDT na ang Mikasa at Accel ang official volleyball at outfitter, ayon sa pagkaka-sunod.

Ang Lady Stags ay wala pa ring panalo sa apat na laban.

Sa kanilang parte, umaasa ang Lyceum na masusustina nila ang mo-mentum na may init at makahatak ng pinakamahusay na laro mula sa best attacker ng nakaraang taon na si Ma. Angelica Bigcas.

vuukle comment

ANG LADY STAGS

ANGELICA BIGCAS

AUGUSTO STA

DUNKIN DONUTS

FAR EASTERN UNIVERSITY

HOME OF BEAUTY EXCLUSIVES

KATE CO YU KANG

LYCEUM LADY PIRATES

MARY JEAN BALSE

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with