Shakeys V-League: 3rd win puntirya ng PSC volleybells vs Lady Tams
December 5, 2004 | 12:00am
Puntirya ng guest team PSC belles na maikamada ang ikatlong sunod na panalo sa pagbabalik-aksiyon ng Shakeys V-League sa Ninoy Aquino Stadium.
Makakalaban ng PSC Spikers ang Far Eastern University na agad susundan ng laban ng University of Santo Tomas at Letran.
Ang PSC Spikers, na binubuo ng mga dating miyembro ng national team na huling nagwagi ng gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Singapore noong 1993 ay makakaharap ang Lady Tamaraws sa ala-una ng hapon, na hindi kakikitaan ng pagod mata-pos ang dalawang laro bilang guest team sa event na itinataguyod ng Shakeys Pizza.
Babanderahan ni Thelma Barina-Rojas, ang pinakamahusay sa naturang sport noong late 80s at kaagahan ng 90s, ang team na binubuo ng mga players na nasa edad 30 at 40 ngunit malakas pa rin at determinado kontra sa mga kalabang nasa 20s pa lamang sa kanilang paghahangad na masundan ang 25-22, 25-15, 25-19 panalo laban sa San Sebastian Lady Stags noong nakaraang linggo at 25-18, 25-19, 19-25, 25-13 tagumpay sa Lyceum Lady Pirates.
Ngunit sa nilalaro nila, dinodomina ng PSC Spikers ang liga ngayong kaagahan ng torneong co-presented ng Dunkin Donuts, HBC Home of Beauty Exclusives, Smart at PLDT na ang Mikasa at Accel ang official volleyball at outfitter, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, makikipagtagpo naman ang Tigress sa Lady Knights sa alas-3 ng hapon, na umaasang maipapakita ang kanilang kahusayan sa court at solidong depensa sa harapan.
Ang Tigress, na palalakasin ang puwersa sa pagkuha kina alumnae Roxanne Pimentel at Rubie de Leon upang makatulong ni first conference MVP Mary Jean Balse, ay nagwagi sa La Salle Lady Archers, 25-21, 29-31, 25-21, 25-19, habang ang Lady Knights, na bumangon sa unang set na kabiguan tungo sa 21-25, 25-18, 25-22, 25-20 panalo sa Lady Tamaraws ay maghihiwalay ng landas upang maagaw ang liderato sakaling matalo ang PSC sa FEU ay masolo ang ikalawang puwesto kapag nanalo naman ang PSC.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended