Kabiguan ni Aquino tinabunan ni Camacho
November 14, 2004 | 12:00am
Nilukuban ng panalo ni Cheradee Camacho sa girls division ang kabiguan ni Prince Mark Aquino sa boys division sa 10th at penultimate round ng 10 & under category ng 2004 World Youth Chess Championships kahapon sa Creta Maris Hotel sa Crete, Greece.
Gamit ang delikadong black piece, tinalo ng 11-year-old Aringay, La Union bet na si Camacho si No. 81 Andrea Vince ng Hungary upang umiskor ng 7.0 points.
Kasama ang No. 20 seed na si Camacho sa 5th to 9th places na kina-bibilangan nina No. 3 Mohana Priya J ng India, No.12 Baciu Diana ng Moldova, No. 74 Tsarouha Marianthi ng Greece at No. 25 Galunova Cveta ng Bulgaria.
Susunod na makakalaban ni Camacho sa final round ang top seed na si Tejeswini Reddy S ng India na natalo sa virtual champion na si WFM Mary Arabidze ng Georgia.
Winakasan naman ng No. 97 na si Ray Robson ng USA ang four game winning streak ng 9-year-old San Nicolas, Pangasinan pride na si Aquino.
Dahil dito, naiwan si Aquino sa 6.5 points at bumagsak sa 15th hanggang 24th places.
Ang iba pang RP chessers na nanalo sa10th round ay sina No.106 seed Wesley So (boys 12 & under), No.104 seed Leo Daylo Jr. (boys 14 & under), No. 62 seed Geneline De Ramos (girls 16 & under) at No. 58 seed Jayveelyn Fronda (girls 18 & under).
Nagkasya naman sa draw sina No. 94 Jesus Alfonso (boys 14 & under) at No. 54 seed Joseph Julius De Ramos (boys 18 & under).
Natalo sina No. 26 seed Christy Lamiel Ber-nales (girls 12 & under) at No. 56 seed Kimberly Jane Cunanan (girls 14 & under).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended