^

PSN Palaro

Gran Matador-PBA Philippine Cup: Shell magtatangkang bumangon

-
Tangka ng Shell Velocity ang panalong magbabangon sa kanila mula sa dalawang sunod na talo para muling solohin ang ikalawang posisyon laban sa matinik na Purefoods sa tampok na laro ngayon sa Gran Matador-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Matapos ang limang sunod na panalo, dalawang sunod na talo ang nalasap ng Turbochargers laban sa mga koponang nalagasan ng players na sangkot sa ‘Fil-sham scandal.’

Unang lumuhod ang Shell kontra sa Asi Taulava-less na defending champion Talk N Text, 63-80 at sinundan ito ng 90-94 pagkatalo kontra sa Red Bull na nawalan ng Davonn Harp at Mick Pennisi nito lamang Miyerkules.

Napapalayo na ang Turbo Chargers sa league leader na Phone Pals na may impresibong 8-1 record sa kanilang taglay na 5-3 kartada na katabla na ngayon ng kartada ng Barangay Ginebra at di naman nakakalayo ang San Miguel na may 5-4 record.

Kailangang manalo ngayon ang Shell sa alas-6:30 ng gabing laban kung ayaw nilang maungusan sa ikalawang puwesto ng Beermen na nakatakdang sumagupa sa Alaska sa pambungad na laro sa alas-4:00 ng hapon.

Kagagaling lamang ng San Miguel sa 88-82 panalo laban sa TJ Hot-dogs sa out-of-town game ng PBA sa Tacloban City at ito ang nais nilang sundan upang maagaw ang ikalawang puwesto. (Ulat ni CVOchoa)

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

DAVONN HARP

GRAN MATADOR

MICK PENNISI

PHILIPPINE CUP

PHONE PALS

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with