Umiskor ang betera-nong forward na si Andy Larong ng 15-puntos, anim nito sa overtime pe-riod sa panalong ito ng Snackmasters at ang pananalasa ng Welcoat Paints sa ICTSI La Salle, 69-51 ang nagbigay sa Granny Goose ng solong liderato.
Lumagay naman ang Paint Masters sa pakiki-sosyo sa 2-2 record sa Manolia Wizards at Ar-chers matapos itala ang ikalawang sunod na panalo.
"Na-prove namin with this win yung character ng team. Alam naman natin na malakas talaga na team ang Magnolia, paborito sila. Pero pinakita ng team ko na kaya nilang sumabay," ani coach Jun Tan ng Granny Goose.
Si Larong ang pumu-kol ng three-pointer sa huling 2:18 minuto ng laro na nagbigay sa Snack-masters ng 62-57 lead at ang kanyang lay-up ang nag-angat pa sa Granny Goose sa 64-58 may 68 segundo na lamang.
Nakalapit ang Wi-zards sa 64-67 ngunit na-split ni Larong ang kanyang charities, 2.4 segundo na lamang.
Katulong ni Larong sina Toti Almeda at Marvin Cruz sa kanilang 14 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod habang may 10-rebounds na-man si Abby Santos.