Tatluhan para sa tulong-dunong
October 31, 2004 | 12:00am
Matapos ang UAAP at NCAA, marami ang naghananap ng dahilan para makapagbasketbol. Ang iba ay naghahanap ng mapagbubuhusan ng init mula sa panonood. Ang iba naman ay naghahanap ng libangan ng barkada.
Subalit may ilang organisasyong pinamumunuan ng mga Atenista na bumuo ng isang liga para makatulong sa kapwa. Ito ay ang 3BA, o 3-on-3 Basketball Association. Ang mag-kasosyo: Management Partners Group (na nagpapatakbo ng Ateneo Basketball League), at Atomic Sports Corporation (prodyuser ng programang The Basketball Show). Naaalala ng mga kinauukulan ang kabutihan at walang-pagod na pagtu-long ng di-inaakalang mapagkawang-gawa.
Si Fr. James OBrien o Fr. OB sa mga kaibigan, ay isang Irish Jesuit na nadestino sa Pilipinas. Bukod sa kanyang taas na 64 at di-pangkaraniwang pagbihis (kasama ang isang berdeng safari helmet bilang panangga sa araw), may dala-wang dahilan kung bakit mo siya maaalala. Una, mahilig siyang magturo ng basketbol. May mga kuwentong dati siyang high school coach bako siya napadpad dito. At walang-sawa siya sa pagdidiin ng kahalagahan ng sportsmanship.
Pangalawa, matindi ang kanyang nasyonalismo para sa Pilipinas. Minsan sa high, nang mapadaan kami sa Intramuros, bigla siyang napasigaw na dapat gibain ito, dahil palatandaan ito ng pang-aapi ng mga Kastila laban sa mga Pilipino at Intsik.
Noong 1975, itinatag ni Fr. OB and Tulong-Dunong, isang programa kung saan, minsan sa isang linggo, nagtuturo ang mga mag-aaral ng Ateneo high school sa mga public school. Sa kabuuan, mahigit isang libo ang naging iskolar ng TD, at may mga sinusuportahan pa mula first year high school hang-gang fourth year college.
Sampung taon makalipas ang pagyao ni OBrien, nanga-ngailangan ng tulong asng Tulong-Dunong. Dahil dito, iaalay ang unang torneo ng 3BA sa TD. Anumang tulong ng mga isponsor o donor ay makakatulong ng malaki. And torneo ay gaganapin sa ika-17 at ika-24 ng Nobyembre (parehong Miyerkules) sa Ateneo college covered courts. Ito ay bukas sa mga alumni, mag-aaral at empleyado ng Ateneo.
Ang sinumang nais lumahok, tumulong o mag-isponsor ay maaaring tumawag kay Chiqui Paterno sa 0917-5337778.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am