Nanalasa ang bagong kuha na si Egay Echavez ng kumamada ito ng 21 puntos kabilang na ang apat na triples sa krusiyal na laro na nagsama sa Huskers sa Ilocos Sur Snipers sa ikatlong puwesto sa kanilang magkatulad na 2-3 baraha.
Nalasap naman ng Harbour Centre ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan ngunit nanatiling hawak ang solong ikalawang posisyon sa kanilang 4-3 baraha sa likuran ng walang talong M. Lhuillier-Cebu City (7-0).
Nagpakawala ng tatlo sa kanyang kabuuang apat na triples sa ikatlong yugto si Echavez para ilayo ang Huskers sa 83-71. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang host na suportado ng kanilang mga kababayan at sa pagtutu-lungan nina Marvin Yambao at Pet Duyag nagawa nilang magbanta sa 91-94 may 1:16 na lamang ang nasa orasan.
Ngunit dahil sa pagod sa matinding paghahabol, kumulapso ang pag-asa ng Harbour Centre at tuluyan ng inangkin ng Coco Huskers ang tagum-pay.
Ang magkakampi sa 2001 SEA Games na sina Tierra at Echavez ay tumirada ng tig-19 puntos habang nag-ambag naman ng 13 at 12 puntos sina Rodriguez at Guerrero, ayon sa pagkakasunod.
Pagkatapos ng undas, magbabalik-aksiyon ang URBL sa Nobyembre 5 sa pagtitipan ng Lactovitale-Cebu Province at M. Lhuillier sa Don Celestino Martinez Coliseum sa Bogo, Cebu.