^

PSN Palaro

Harbour Centre hiniya ng Quezon Province

-
Hiniya ng bisitang Quezon Province Coco Huskers ang host Harbour Centre-Pampanga 103-94 at palakasin ang pag-asa sa pagpapatuloy ng United Regional Basketball League (URBL) sa Archbishop Cinense Gym ng University of the Assumption sa San Fer-nando, Pampanga.

Nanalasa ang bagong kuha na si Egay Echavez ng kumamada ito ng 21 puntos kabilang na ang apat na triples sa krusiyal na laro na nagsama sa Huskers sa Ilocos Sur Snipers sa ikatlong puwesto sa kanilang magkatulad na 2-3 baraha.

Nalasap naman ng Harbour Centre ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan ngunit nanatiling hawak ang solong ikalawang posisyon sa kanilang 4-3 baraha sa likuran ng walang talong M. Lhuillier-Cebu City (7-0).

Nagpakawala ng tatlo sa kanyang kabuuang apat na triples sa ikatlong yugto si Echavez para ilayo ang Huskers sa 83-71. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang host na suportado ng kanilang mga kababayan at sa pagtutu-lungan nina Marvin Yambao at Pet Duyag nagawa nilang magbanta sa 91-94 may 1:16 na lamang ang nasa orasan.

Ngunit dahil sa pagod sa matinding paghahabol, kumulapso ang pag-asa ng Harbour Centre at tuluyan ng inangkin ng Coco Huskers ang tagum-pay.

Ang magkakampi sa 2001 SEA Games na sina Tierra at Echavez ay tumirada ng tig-19 puntos habang nag-ambag naman ng 13 at 12 puntos sina Rodriguez at Guerrero, ayon sa pagkakasunod.

Pagkatapos ng undas, magbabalik-aksiyon ang URBL sa Nobyembre 5 sa pagtitipan ng Lactovitale-Cebu Province at M. Lhuillier sa Don Celestino Martinez Coliseum sa Bogo, Cebu.

vuukle comment

ARCHBISHOP CINENSE GYM

COCO HUSKERS

DON CELESTINO MARTINEZ COLISEUM

ECHAVEZ

EGAY ECHAVEZ

HARBOUR CENTRE

HARBOUR CENTRE-PAMPANGA

ILOCOS SUR SNIPERS

LACTOVITALE-CEBU PROVINCE

LHUILLIER-CEBU CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with