Kontrolado ng Air Philippines ang laro, ngunit nagawang itabla ng Granny Goose ang iskor sa 76-all mula sa undergoal stab ni Alfie Grijaldo patungo sa huling 31 segundo ng labanan.
Nabawi ng Flights ang kalamangan mula sa side jumper ni Jerome Paterno, 9.9 segundo pa ang natirang posesyon para sa Snack Masters.
Sa ikalawang laro, dinomina ng ICTSI La Salle ang kanilang laro kontra sa Addict Mobile Ateneo tungo sa 81-57 panalo upang makabawi sa kanilang pagkatalo sa kanilang debut game.
Matapos kunin ang 38-26 bentahe sa half-time, pinalaki ito ng Archers sa 26 puntos, 78-52 kalamangan sa ika-apat na quarter upang iangat ang kanilang record sa 1-1 panalo-talo.
Pinangunahan ni Mark Cardona ang ICTSI sa pagkamada ng 28-puntos upang ipalasap sa Ateneo ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan para samahan sa duluhan ang walang larong Welcoat Paints. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)