^

PSN Palaro

Motolite Philippine 9-Ball Open sasargo na

-
Magsisimula na ng kani-kanilang kampanya ang mga finalists sa P500,000 Motolite Philippine 9-Ball Open bukas sa Casino Filipino sa Para-ñaque City.

Isinunod sa knockout phase ng World Pool Cham-pionships, ang finals ng limang araw na event na tatawagin ding Fil-9 ay gagamit ng winner’s break format. Isasa-ere ng organizing Solar Sports ang laro mula alas-2 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi sa pagtataguyod ng The Philip-pine Star, Motolite, Pioneer Epoxy, PCSO, DOT at Emperador Brandy.

Ang 32 survivors ng unang dadagsa ay gagarantiyahan ng P5,000 premyo.

Ilan sa mga dapat abangang pares na maglalaban-laban ay sina top seed Ramil Gallego kontra sa 64th seed Fidel Punzalan; third seed Dennis "Surigao" Orcullo vs 62nd seed Bernard Marbella; sixth seed Marlon " Marvellous" Manalo laban kay 59th seed Art Palma; 29th seed Warren "Warrior" Kiamco kontra 36th seed Alfredo Pelegrina; at ang 11th seed na si Gandy Valle vs naman sa 54th seed at boxing hero na si Manny Pacquiao.

Isa rin sa dapat bantayan ay ang beteranong campaig-ner na si Ronnie "Calamba" Alcano na seeded 46th lamang dahil sa hindi magandang ipinakita sa qualifying. Ngunit hindi dapat maging basehan ang seedings niya para maging paborito bagamat seeded 19th ang kanyang unang kakalabanin na si Richard Aguilar.

ALFREDO PELEGRINA

ART PALMA

BALL OPEN

BERNARD MARBELLA

CASINO FILIPINO

EMPERADOR BRANDY

FIDEL PUNZALAN

GANDY VALLE

SEED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with