World Summit Pool: Sambajon tumumbok din ng titulo
October 24, 2004 | 12:00am
Isinubi kamakailan ni Santos Sambajon ang titulo sa World Summit of Pool na ginanap sa New York City makaraang pabagsakin si Mike Davis, 7-5.
May apat na taon na ring kumakampanya ang 44 anyos na Pinoy sa Amerika kung saan ang pinakamagandang posisyon ay ikalawang puwesto sa Billiard Congress of America Open 9-Ball Championships sa Las Vegas noong Mayo.
Malinis ang rekord ni Sambajon sa 68 player field ng United States Pool Players Association tourna-ment na kinabibilangan ni Earl Strickland na nagbigay sa kanya ng halagang $12,000 para sa titulo.
Samantala, nanalasa si Franciso Django Bustamante nang agad humakot ng dalawang sunod na panalo sa 888.com World Pool League event na ginaganap sa N.O.T Building sa Central Warsaw.
Magkatulad na 6-4 panalo ang tinumbok ni Bustamante kontra sa nagdedepensang kampeon na si Rodney Morris ng Hawaii at Steve Davis ng England, ayon sa pagkakasunod.
Pumapangalawa naman kay Bustamante sa $50,000 tournament na ito ay si Niels Feijin na naki-pag-draw kay Davis, 5-all bago tinalo ang Fil-Cana-dian at World Pool champion Alex Pagulayan 6-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended