Malaking premyo sa Manila Marathon
October 17, 2004 | 12:00am
Tinatayang may kalahating milyong pa-premyo ang nakataya sa pinakamalaking foot race sa bansa sa pagtakbo ng 2nd Manila Marathon sa Nobyembre 28 sa makasaysayang Rizal Park.
Ayon sa organizers ng event, na siyang kick-off sa paghahanda ng Maynila sa pagho-host ng bansa sa Southeast Asian Games sa susunod na taon na ang mga cash prizes ay ipamimigay sa awards rites sa Quirino Grand-stand pagkatapos ng karera.
Ayon kay Manila Sports Council (MASCO) chief Arnold Ali Atienza, anak ni Mayor Lito Atienza, na magkakaroon ng raffle ng mga premyo sa mga partisi-pante sa awarding ceremonies sa suporta ng Nike at Smart Commu-nications.
Tumatanggap na ng pag-papalista para sa 7 kategoryang paglalabanan --42-km full mara-thon, 10-km, 5-km, Media 5-km, Celebrity 5-km, at Differently-abled 3-km races, na tatampukan ng mens at womens categories. Kasama naman ang 15-Under kids sa Kids 3km fun run.
May kabuuang P395,000 ang nakalaan para sa magwawagi sa 42K full marathon, habang may kabuuang P20,000 ang igagawad sa mga magwawagi sa 10k at Media 5K. At P12,000 naman para sa 5k at Celebrity 5k, maging sa Differently-abled 3K, habang sasa-bitan ng medalya ang magwawagi sa 15-under Kids 3k fun run.
Ang 42-km race ay tatakbo sa ganap na alas-4:00 ng umaga habang ang 10k, 5k at 3k races ay magsisimula sa alas-6 ng umaga, sa pangnguna ni Mayor Lito Atienza kasama din sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain, Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended